Boracay/Aklan News

LALAKI NAHULIHAN NG BARIL

LALAKI NAHULIHAN NG BARIL

Home Boracay Informer’s News LALAKI NAHULIHAN NG BARIL

Boracay Island-Kulong ngayon sa Boracay PNP ang isang lalaki matapos nagpaputok ng kanyang baril kaninang madaling araw sa Sitio Bantud Brgy. Manoc Manoc.

Kinilala ang suspek na si Jonas Abadiano, 23 taong gulang na tubong Sampaloc, Manila.

Nauna nang humingi ng saklolo sa mga Pulis si Ana Rose Salmorin, boardmate ng suspek matapos marinig nito na may nag aaway sa 2ND floor ng tinitirhan nilang boarding house, maya-maya pa ay nakarinig ito ng putok ng baril.

Pag dating ng mga pulis sa lugar agad nilang ginalugad ang mga kagamitan ni Salmorin.

Kinalaunan boluntaryo ding na isinuko ng Suspek ang kanyang 357 magnum na baril at isang bala sa mga Kapulisan na walang kaukulang dokumento.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Fire Arms Law at haharap pa ito ng karagdagang kaso sa pagbigay ng maling pangalan sa mga kapulisan.

Giit ng mga pulis, unang binanggit ng suspek na pangalan ay Jason Miradorez, ngunit kinalaunan ang totoo na nyang pangalan na Jonas Abadiano.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!


space for ads

Advertise with Us

Hotels Map in Boracay

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.

Related Posts