Boracay/Aklan News, News

DEPT HEAD NG MALAY LGU , SINUSPENDE NG OMBUDSMAN

DEPT HEAD NG MALAY LGU , SINUSPENDE NG OMBUDSMAN

Home Boracay Informer’s News DEPT HEAD NG MALAY LGU , SINUSPENDE NG OMBUDSMAN

Malay, Aklan – PINATAWAN ng Ombudsman ng 3 buwan na suspensyon sa trabaho at walang sweldo si Malay Municipal Assessor Erlinda Casimero.

Ito ay matapos mapatunayan ng Ombudsman na guilty sa kasong Simple Neglect si Casimero sa kanyang trabaho.

Ang kaso ay nag-ugat sa pag issue nito ng dokumento kung saan sinabi nitong walang ibang tagapagmana sa lupa ng mga Pelayo sa Manocmanoc maliban sa isa.

Kung kaya’t nagreklamo ang mga kapatid at pamangkin ng pinaboran nitong claimant at pinatunayan na may habol din sila sa lupa.

Dahil dito ay kumbinsido ang Ombudsman na pinabayaan ni Casimero ang kanyang obligasyon na alamin muna ng mabuti ang status ng lupa bago mag isyu ng hinihinging dokumento.

Aalamin din ng Ombudsman kung meron bang kapalit na paboya mula sa pinaboran nyang claimant at kapag napatunayan ay maari syang makasuhan ng graft and corruption na may mataas na penalidad.

Napag alaman ng Radyo Todo na On-Leave ngayon si Casimero at sa Nobyembre 17 pa ito makakapagreport at dun na rin iseserbe sa kanya ni Malay Mayor Ceciron Cawaling ang suspension order ng Ombudsman.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!


space for ads

Advertise with Us

Hotels Map in Boracay

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.

Related Posts