AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

DALAWANG LALAKI, NAHULIHAN NG MATATAAS NA KALIBRE NG ARMAS

DALAWANG LALAKI, NAHULIHAN NG MATATAAS NA KALIBRE NG ARMAS

Home » Boracay Informer’s News » DALAWANG LALAKI, NAHULIHAN NG MATATAAS NA KALIBRE NG ARMAS

Boracay Island-Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng baril kagabi sa Brgy. Yapak sa Boracay.

Kinilala ang mga suspek na sina Edu Laman, 37 anyos na tubong Lambunao, Ilo-Ilo at Alejandro Adorador, 25 anyos ng Badiangan, Ilo-Ilo na nagtatrabaho ngayon sa Stingray Water Sports.

Sa imbestigasyon ng Boracay PNP, naaresto ang dalawa ng PNP Maritime Group sa my Sitio Ilig-Iligan matapos makatanggap ng tawag na may dalawang lalaking may bit-bit na baril sa isang Videoke bar sa nasabing lugar.

Pagdating ng mga otoridad sa lugar, dali-daling tumakbo si Edu Laman ngunit nahabol ito ng mga pulis at nadakip.

Nakuha sa posisyon ni Laman ang isang M16-A1 na loaded ng 15 bala at 9mm Lugger na may apat na mga bala.

Samantala nakuha din sa posisyon ni Adorador ang isang M16-A1 na loaded ng 18 bala.

Sa ngayon nakakulong na ang dalawa sa Boracay PNP at sasampahan ng kasong pag labag sa R.A 10591 o ang Illegal Possession of Fire Arms and Ammunitions Law.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252




loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.

Related Posts

X