AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

NAKAMOTOR NA SEAMAN, NAG DIVE SA PALAYAN

NAKAMOTOR NA SEAMAN, NAG DIVE SA PALAYAN

Home Boracay Informer’s News NAKAMOTOR NA SEAMAN, NAG DIVE SA PALAYAN

BALETE,AKLAN-Isinugod sa ospital ang isang seaman matapos aksidenteng mahulog sa palayan na nakamotor sa Sitio Tagaytay, Feliciano, Balete.

Base sa report ng Balete PNP, nakasandal sa poste at nahihirapang tumayo nang datnan ng mga sumaklolong pulis ang biktimang si Alexander Simeon, 42 anyos ng Sitio Centro, Bay-ang, Batan.

Bagama’t nagawang magpakilala bilang seaman, hindi gaanong nakausap ng mga pulis ang biktima na nakilala naman sa pamamagitan ng kanyang ID.

Kaugnay nito, kaagad dinala sa provincial hospital ang seaman na nagtamo ng sugat sa kanyang nguso at ibang parte ng katawan.

Pinaniniwalaang pauwi ang biktima, subali’t maaari umano itong nakatulog habang nagmomotor at aksidenteng nahulog sa palayan.

Samantala, binalikan naman at kinuha ng mga pulis ang motorsiklo ng biktima na nahulog sa palayan.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252

loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.




Related Posts

// adnow ads