AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

MISTER NAGREKLAMO MATAPOS SUMAMA SA IBANG LALAKI SI MISIS

MISTER NAGREKLAMO MATAPOS SUMAMA SA IBANG LALAKI SI MISIS

Home Boracay Informer’s News MISTER NAGREKLAMO MATAPOS SUMAMA SA IBANG LALAKI SI MISIS

Kalibo Aklan“Tinanggap ko siya kahit ano pa ang nakaraan niya dahil mahal ko sya.”

Ito ang binitawang salita ng isang 42 anyos na mister matapos sumama sa ibang lalaki ang kanyang misis kahapon ng hapon.

Kuwento ng mister masaya pa daw sila kahapon kasama ang kanyang misis habang nagvi-videoke ngunit mga alas 12 ng tanghali pumunta raw siya sa Kalibo dahil inutusan ito ng kanyang amo.

Sa kanyang pag balik sa kanilang bahay pinagsabihan na lang umano siya na umalis na ang kanyang misis at sumakay ito sa isang traysikel.

Tinawagan niya umano ito kung saan ito pumunta at ang sabi ng kanyang misis ay kumakain daw sila sa Tambak, New Washington.

Agad namang pinuntahan ng lalaki ang kanyang misis doon sa lugar ngunit naka-alis na ito.

Pinaghahanap pa rin niya ito hanggang sa makarating siya sa Pob., New Washington, napaluha na lamang ito ng makitang nakasakay na sa pumpboat ang kanyang misis kasama ang kanyang kerido umano.

Sa kabila ng ginawa ng kanyang misis ay handa niya pa rin itong patawarin kung babalik ito sa kanya.

Mahigit 12 taon na silang magkasama ng kanyang misis at may isa silang anak.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252

loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.




Related Posts

// adnow ads