AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

MAHILIG KUMUHA NG SEX VIDEO, TIMBOG

MAHILIG KUMUHA NG SEX VIDEO, TIMBOG

Home Boracay Informer’s News MAHILIG KUMUHA NG SEX VIDEO, TIMBOG

IBAJAY-Timbog sa entrapment operation ang isang lalaking mahilig umanong kumuha ng sex video.

Sa pinagsanib na puwersa ng Tangalan at Ibajay PNP, naaresto ang suspek na si Jason Castillo, 25 anyos ng Barangay Bugtong Bato, Ibajay, Aklan.

Ayon kay PO3 Ian Sastre ng Ibajay PNP, ikinasa ang entrapment operation kahapon nang magsumbong ang magkasintahang estudyante sa Ibajay PNP matapos umano silang i-‘BLACKMAIL’ ng suspek.

Ayon sa magkasintahan, nakunan umano sila ng video ng suspek habang nagtatalik sa bulubunduking bahagi ng Bugtong-Bato, Ibajay nitong nakaraang Lunes, February 19.

Natunugan umano nila ito kung kaya’t mabilis na tumakas ang suspek na kaagad namang hinabol ng nobyo.

Nagpang-abot ang dalawa malapit sa highway kung saan pinakiusapan niya itong i-delete o burahin ang kanilang video, subali’t hindi pumayag ang suspek.

Sa halip, sinabi umano nito na buburahin niya ang video kung makikipagtalik sa kanya ang kanyang nobya, bagay namang inalmahan ng nobyo.

Kasunod nito, hiningi ng suspek ang cell phone number ng nobyo, sakaling pumayag sila sa kondisyon.
Samantala, minarapat namang dumulog sa mga pulis ang magkasintahan nang paulit-ulit umano itong tumatawag sa cell phone ng nobyo tungkol sa kanyang iniaalok na kondisyon.

Kaugnay nito, isinagawa ang entrapment operation kung saan pumayag ang nobya na makipagkita sa suspek sa isang lodging house sa Barangay Jawili, Tangalan.

Subali’t hindi na nito natuloy ang kanyang binabalak sa babae nang pasukin na ng mga operatiba ang kuwarto kung saan siya naarestong hubo’t-hubad.

Samantala, narekober ng mga pulis ang cell phone ng suspek kung saan natuklasang marami itong naka save na sex video, maliban pa sa sex video ng magkasintahan.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252

loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.




Related Posts

// adnow ads