AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

LALAKING NANGHIPO NG ISANG GINANG ARESTADO

LALAKING NANGHIPO NG ISANG GINANG ARESTADO

Home Boracay Informer’s News LALAKING NANGHIPO NG ISANG GINANG ARESTADO

Boracay Island-Laking gulat na lang ng isang 38 anyos na ginang matapos itong hipo-an sa kanyang pribadong parte ng katawan at nagmasturbate pa sa kanyang harapan ang isang 18 anyos na lalaki na kinilalang si Reymond Panagsagan na tubong Tangalan, Aklan at kasalukuyang nakatira sa Sitio Lugutan, Manoc-Manoc, Boracay.

Nangyari ang insidente sa Sitio Lugutan, Manoc Manoc kung saan natutulog ang ginang kasama ang kanyang limang buwan na sanggol sa kanilang boarding house kaninang madaling araw.

Ayon sa ginang nagising na lamang siya nang makaramdam ito na merong nanghinihipo sa kanyang pribadong katawan at laking gulat pa niya nang tumambad sa kanyang harapan ang nagmamasturbate na si Panagsagan.

Sinampal diumano ng ginang ang suspek at sumigaw.

Dali-dali namang tumakas ang suspek.

Kinalaunan napansin ng ginang na nawawala ang kanyang dalawang cellphone.

Makalipas ang ilang minuto dumating ang asawa ng biktima at kanilang tinawagan ang cellphone na nawawala.

Sinagot naman ito ng suspek at kanilang narinig ang kantang ”PAGSUBOK“ na iyon din ang kanta na kanilang narinig sa isang videoki bar malapit sa kanilang boarding house.

Dali–dali nila itong pinuntahan at positibong itinuro ng ginang ang suspek na pumasok sa kanilang boarding house.

Agad inaresto ang suspek at ngayon ay nakakulong na sa Boracay PNP.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252

loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.




Related Posts

// adnow ads