AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News

BRGY. KAPITAN, HULI SA PAGBEBENTA NG SHABU

BRGY. KAPITAN, HULI SA PAGBEBENTA NG SHABU

Home » Boracay Informer’s News » BRGY. KAPITAN, HULI SA PAGBEBENTA NG SHABU

Ibajay, Aklan – TIMBOG sa kapulisan si Aquino, Ibajay Punong Barangay Rodel Cambarihan sa isinagawang buy bust operation 12:45 kaninang tanghali.

Naaresto si Cambarihan sa Solidum St., Poblacion, Ibajay kung saan nakabili sa kanya ang police poseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa halagang isang libong piso.

Agad na nagdeklara ng police operation ang Provincial Drug Enforcement Unit laban sa kanya.

Sa isinagawang body search ay may nakuha pang karagdagang 4 na sachet ng pinaniniwalaang shabu sa kanang bulsa ni Kapitan.

Napag-alamang drug surenderee ng Ibajay sa OpLan TokHang ng PNP Ibajay si Kapitan Cambarihan.

Todo tanggi naman si Cambarihan sa nasabing krimen.

Sasampahan sya ng kasong pagbebenta ng iligal na druga kung saan wala ditong inirerekomendang pyansa ang batas.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252




loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.

Related Posts

X