AKLAN TRENDING STORY OF THE DAY, Boracay/Aklan News, News

BORACAY, PLANONG IPASARA SA LOOB NG 60 ARAW

BORACAY, PLANONG IPASARA SA LOOB NG 60 ARAW

Home Boracay Informer’s News BORACAY, PLANONG IPASARA SA LOOB NG 60 ARAW

Boracay – Idedeklara ang isla ng Boracay under the state of emergency at posibleng ipapasara pansamantala sa mga turista.

Ayon kay DILG Asec. for plans and programs Epimaco Densing III, pinag aaralan ngayon ang pansamantalang pagpapasara sa negosyo sa sikat na Isla sa loob ng animnapung (60) araw para matutukan ng mabuti at maisaayos ang kinakaharap na problema dito.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagbabala na ipapasara ang Boracay kung hindi maayos ang problema sa basura at water waste disposal dito sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa datos ng DENR, limampu’t isang (51) establisimiyento kabilang na ang mga hotels, restaurants, at transient houses ang nabigyan ng notice of violation o nakitaang lumabag sa environmental regulations.

Dagdag pa ni Densing na pinaghahandaan na rin nila ang pagbibigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga maapektuhan na mga karaniwang manggagawa sa isla na umaasa sa mga turista sa panahon ng pagpapasara.

Aabisuhan din nila ang mga negosyante dito ganundin ang mga travel agencies.

Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo, Pebrero 21, ang mga kalihim ng DILG, DENR at DOT para magsagawa ng rekomendasyon na isusumite kay Pangulong Duterte.

Dito na malalaman ang magiging pinal na desisyun sa pagsasaayos ng isla.

Si Densing ang naging panauhing pandangal sa paglulunsad ng Anti Graft and Corruption Campaign at panunumpa ng mga opisyal ng Philippine Advocates for Federalism na isinagawa kanina sa covered court sa Kalibo, Aklan.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Radyo Todo 88.5 FM Live!

300*252

loading...

Sign Up for our Newsletter! And be informed everyday!

We appreciate you by visiting and checking out the latest news and updates.

Upon signing up. You will received up to date news from the Island of Boracay and Aklan.




Related Posts

// adnow ads