Boracay/Aklan News, News

LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN


LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN

Home Boracay Informer’s News LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN
Spread the love

MAKATO-Hindi sukat-akalain ng isang lalaki na may iba pa palang motibo ang pag-abot sa kanya ng tagay ng kanyang kainuman.

Kaugnay ito sa nangyaring pananaksak sa Sitio Basbasin, Barangay Tibiawan, Makato, Aklan kaninang umaga, kung saan nakilala ang biktimang si Rey Tejada, 26 anyos at ang suspek na si Arnold Temporaza, 24 anyos na kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PO2 Jover Zubiaga ng Makato PNP, nag-inuman ang dalawa sa bahay ng biyenan ng biktima nang bigla na lamang umano nitong saksakin ang huli sa hindi malamang dahilan.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang dibdib at palad ang biktima na mabilis namang isinugod sa ospital.

Samantala, kaagad tumakas ang suspek matapos ang krimen, subali’t hinabol siya ng taumbayan at isinuko sa mga dumating na pulis.

Kasalakuyan siyang nasa kustodiya ng Makato PNP habang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek.

Nabatid na iniabot muna ng suspek sa kainumang biktima ang tagay bago niya ito saksakin.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts