Boracay/Aklan News, News

AKLAN, LIGTAS SA MGA NPA

AKLAN, LIGTAS SA MGA NPA

Home Boracay Informer’s News AKLAN, LIGTAS SA MGA NPA

Kalibo, Aklan – NANANATILING walang banta ng insurhensya o presensya ng National Peoples Army – Bagong Hukbong Bayan sa Aklan.

Ito ang iniulat ni Aklan Provincial Mobile Force Company Commander Police Chief Inspector Renante Matillano kasunod ng sunod sunod na engkwentro sa Capiz, Iloilo at Antique ng CPP-NPA at mga kapulisan.

Ayon kay Matillano, matibay ang kanilang kooperasyon sa mga Brgy at Municipal officials lalong-lalo na sa mga kabundukan ng Aklan.

Kasabay din nito ang maayos na deployment at presensya ng mga tropa sa pamahalaan sa mga posibleng daanan ng mga armadong komunista.

Napag-alaman na may mga natanggap din silang impormasyon nung nakaraang mga araw na may mga NPA na sumubok na magsagawa ng recruitment sa ilang Baranggay sa kabundukan ng Aklan pero hindi ito nagtagumpay.

Nanawagan din si Matillano sa mga komunista na huwag ng subukan pang guluhin ang maayos na Peace and Order situation sa Aklan dahil makakaapekto ito sa industriya ng turismo at kabuhayan ng mga mamamayan.

There are no comments yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts